MONTREAL(AP) — Nahila ni Alexander Zverev ang winning streak matapos tuldukan ang marka ni Roger Federer, 6-3, 6-4, nitong Linggo (Lunes sa Manila) para makopo ang Rogers Cup.

Alexander Zverev, of Germany, pumps his fist to the crowd as he celebrates his win over Kevin Anderson, of South Africa, in the finals of the Citi Open tennis tournament, Sunday, Aug. 6, 2017, in Washington. Zverev won 6-4, 6-4. (AP Photo/Nick Wass)
Alexander Zverev, of Germany, pumps his fist to the crowd as he celebrates his win over Kevin Anderson, of South Africa, in the finals of the Citi Open tennis tournament, Sunday, Aug. 6, 2017, in Washington. Zverev won 6-4, 6-4. (AP Photo/Nick Wass)

Naitala ng 20-anyos na si Zverev, kampeon sa Washington sa nakalipas na linggo, ang ika-10 sunod na panalo habang pinutol ang 16-game winning streak sa Rogers Cup ni Federer. Napantayan din ng German star sa limang titulo na napagwagihan ng dating world No.1, ngunit lamang ang Swiss star ng dalawa major title.

Naiganti rin niya ang kabiguan kay Federer sa Halle, Germany nitong Hunyo 25 at napantayan ang career head-to-head record sa 2-2.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Umusad sa championship round si Zverev, pinakabatang player na umabot sa Finals ng Rogers mula nang magawa ni Novak Djokovic noong 2007, nang maungusan ang teen sensation na si Canadian Denis Shapovalov sa semifinals.

Nabigo rin si Federer na matapatan sa ikalawang puwesto sa all-time career record si Ivan Lendl sa 94 tournament titles. Nangunguna si Jimmy Connors na may 109.

Sa doubles final, nasungkit nina fifth-seeded Frenchmen Pierre-Hugues Herbert at Nicolas Mahut ang titulo nang pabagsakin ang tambalan nina seventh-seeded Rohan Bopanna ng India at Ivan Dodig ng Croatia 6-4, 3-6, 10-6.