TORONTO (AP) — Naibulsa ni Elina Svitolina ang ikalimang titulo ngayong season nang silatin si dating world No.1 Caroline Wozniacki 6-4, 6-0, sa Rogers Cup final nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Ginamit ng 22-anyos Ukrainian ang mabilis at malalakas na groundstrokes para biguin ang sixth-ranked na si Wozniacki.

Nakuha ng fifth-ranked na si Svitolina ang bentahe sa first set at hindi nakatikim ng hamon mula sa karibal sa kabuuan ng kanilang 77 minutong laro. Nakopo ni Svitolina ang ikaapat na panalo laban sa top-10 opponent sa nakalipas na Linggo.

Ginapi niya si ninth-ranked Venus Williams sa third round, bago giniba si No. 4 Garbine Muguruza sa inulan na quarterfinal nitong Sabado bago pinabagsak si No. 2 Simona Halep.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Lagapak naman si Wozniacki sa 0-6 sa final appearances ngayong season at 0-3 sa kanilang head-to-head match ni Svitolina.

Inaasahang malalagay sa career-high No. 4 si Svitolina ngayong Lunes.

Sa doubles final, pinataob nina top-seeded Russians Ekaterina Makarova at Elena Vesnina sina eighth-seeded Anna-Lena Groenefeld and Kveta Peschke, 6-0, 6-4.