TOP NETTER! Tangan ni Pinay netter Alexandra Eala (kanan) at kasangga na si Indonesian Priska Madelyn Nugroho ang kanilang tropeo nang pagwagihan ang girls doubles title sa Young Champions Cup kamakailan sa Hasselt, Belgium. (FB PHOTO OF MF EALA)
TOP NETTER! Tangan ni Pinay netter Alexandra Eala (kanan) at kasangga na si Indonesian Priska Madelyn Nugroho ang kanilang tropeo nang pagwagihan ang girls doubles title sa Young Champions Cup kamakailan sa Hasselt, Belgium. (FB PHOTO OF MF EALA)

TINAPOS ni Filipino tennis player Alexandra Eala ang halos dalawang buwang kampanya sa Europe sa impresibong five-tournament sweep sa girls doubles titles ng International Tennis Federation (ITF) Under-14 Touring Team to Young Stars Tournaments.

Sa pakikipagtambalan kay Indonesian Priska Madelyn Nugroho, nagapi nila ang tambalan nina Moldovan Arina Gamretkaia at Armenian Milena Gevorgyan, 6-3, 6-4, sa ikalima at huling leg ng Young Champions Cup nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa Kon. Excelsior Hasselt Tennis Club sa Hasselt, Belgium.

Nakopo nina Eala at Nugroho ang unang doubles title nang pabagsakin ang karibal na sina Italians Eleonora Alvisi at Asia Serafini, 6-2, 6-4, sa Open des Jeune, inorganisa ng Stade Francais Club sa Paris, France – ang panimulang leg ng ITF program at suportado ng Grand Slam Development Fund.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Mula sa Paris, nanalasa ang tambalan nina Eala at Nugroho sa Velp, Netherlands, tungo sa dominanteng 7-5, 6-1 panalo kontra sa tambalan nina Egyptian Hnia Aboulsaad at Moroccan, Sara Akid, 7-5, 6-1 at angkinin ang Windmill Cup.

Sa pagbabalik ng touring team sa France, muling nanaig ang magkasangga laban kina Peruvian Daianne Hayashida at Camila Soaresm 6-3, 6-1sa La Balle Mimosa Loire-Atlantique sa Nantes.

Hindi natinag ang dalawa sa matinding hamon ng mga katunggali upang angkinin ang Internationale Deutsche Tennismeisterschaften sa Duren, Germany nang pabagsakin nina Eala at Nugroho ang karibal na sina South Koreans Bo Young jeong at Yeon Woo Kum 4-6, 6-4, (10-5).

Kabilang si Eala sa National junior team na sumabak sa World Juniors Tennis Championships Asia-Oceania Final Qualifying sa Bangkok, Thailand nitong Marso. Kasama niya sa koponan sina Ma. Carmencita Carlos at Amanda Gabrielle Zoleta.

Inorganisa ng ITF ang torneo bilang bahagi ng sports development program ng asosasyon sa mga developing countries sa Asia, Caribbean at Pacific Oceania. Pinangangasiwaan ang torneo ng mga beteranong ITC coach. - PNA