PVL’S BEST! Pinarangalan sina (mula sa kaliwa) Iari Yongco ng Air Force  - Best Opposite Spiker; Jia Morado ng Creamline- Best Setter; Risa Sato ng Bali Pure- 2nd Best Middle Blocker; Myla Pablo ng Pocari Sweat - 1st Best Outside Spiker at Most Valuable Player; Gretchel Soltones ng Bali Pure- 2nd Best Outside Spiker; Jeanette Panaga ng Pocari- 1st Best Middle Blocker; at Melissa Gohing ng Pocari- Best Libero sa awarding ceremony ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference nitong Sabado sa Filoil Flying V Center sa San Juan City. (MB photo | RIO DELUVIO)

NAHILA ng Mega Builders ang duwelo kontra Cignal sa hangganan nang maitarak ang 18-25, 25-23, 26-24, 22-25, 15-13 panalo sa Game Two ng Premier Volleyball League (PVL) Open men’s Finals nitong Sabado sa The Arena sa San Juan.

Hataw si Francis Saura sa naiskor na 24 puntos, habang kumana sina Madzlan Gampong at James Natividad ng tig-17 puntos para sa Mega Builders.

Gaganapin ang decider ng best-of-three series sa Miyerkules.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“I instructed the boys na kahit matalo kami dito (sa fourth set), okay lang, basta makakuha lang kami ng momentum. Pagdating nung fifth set, kumpiyansa kami,” sambit ni Mega Builders coach Dong Dela Cruz.

Nanguna sa Cignal si Conference MVP Lorenzo Capate sa naiskor na 23 puntos, habang tumipa si Ysay Marasigan ng 18 puntos at kumana si Rex Intal ng 10 puntos.

Naipuwersa rin ng Sta. Elena ang laban sa ikatlong puwesto sa ‘sudden death’ ng pataubin ang Philippine Air Force, 27-25, 22-25, 18-25, 25-19, 16-14 sa Game 2.