NI: Reggee Bonoan
HINDI kami umabot sa tamang oras sa pa-block screening ng fans ni Sharon Cuneta para sa Cinemalaya entry niyang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha sa Trinoma nitong Sabado.
Hinayang na hinayang kami dahil naririnig namin ang feedback mula sa mga nakapanood na posibleng manalong best actress ang megastar at supporting actress naman si Moi Marcampo a.k.a. Moi Bien.
“Nakakatawa siya as in,” simpleng sabi sa amin tungkol sa pelikula.
Mukha ngang nakakatawa, dahil nang mapanood namin ang trailer naaliw kami na hindi makatulog si Sharon dahil may naririnig na tunog ng piano at tila may naalala kaya todo emote. Nang usisain niya, nakita niya na ang sidekick pala niyang si Moi ang tumutugtog at nang sitahin kung kailan pa ito natutong tumugtog ay sinagot siya ng, “Nililinis ko lang po, ang dami na kasing alikabok” sabay alis at iniwan ang amo.
In fairness, sold out ang halos lahat ng screening time nito sa CCP at maging sa Trinoma nitong Sabado ay bilang lang ang bakanteng upuan kaya halos punuan din.
Sikat na talaga si Moi (dumalo siya) dahil pinagkaguluhan siya pagkatapos ng screening at maraming nagpa-picture.
Hindi na makukuwestiyon ang kapasidad ni Moi sa comedy, ilang beses na namin siyang napanood at kaswal lang magbitaw ng mga linya na feeling namin ay adlib lahat.
Hindi na namin ia-address si Moi bilang personal assistant (P.A.) o alalay ni Piolo Pascual dahil nakagawa na rin siya ng sariling pangalan sa showbiz.
Pero nakakatuwa na marunong lumingon o tumanaw ng utang na loob si Moi dahil hindi pa rin niya iniiwan si Piolo at higit sa lahat, kapag wala siyang shooting, taping o commitment bilang artista ay umaalalay pa rin siya sa aktor.
Kaya naniniwala kami na aasenso at maaaring sumikat pa nang husto ang baguhang komedyana. At take note, Bossing DMB, may manager si Moi, under siya ng Cornerstone Talent Management, hindi lang namin alam kung may sarili na rin siyang P.A, handler o road manager, ha-ha-ha.
Samantala, isa sa top 4 sa Cinemalaya angPamilyang Hindi Lumuluha kaya posibleng ma-extend pa sa mga sinehan.
Pinipilahan, talk of the town din at pawang positive ang mga review sa Respeto, Kiko Boksingero at Baconaua.
Negatibo ang feedback sa pelikulang Nabubulok dahil hindi raw maganda ang script at sayang ang mga artistang nagsiganap, pero dahil sa ingay ng pelikula sa kaliwa’t kanang reaksiyon ng mga nakapanood ay naging curious ang iba na panoorin ito.
Sabi nga sa amin ng kilalang scriptwriter, “Sige na, panoorin mo ang Nabubulok para mapapamura ka rin at mabuwisit ka.”
Pero iba naman ang sabi ni Sylvia Sanchez sa amin, “Ako nagandahan sa Nabubulok, siguro kanya-kanya lang tayong intindi, panoorin mo para maintindihan mo rin.”
Oo nga naman, may kanya-kanyang point of view ang bawat tao, sige papanoorin namin angNabubulok kung palabas pa sa mga sinehan.