ni Fer Taboy

Sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang dapat ipangamba ang mga Pilipino sa tumitinding iringan ng North Korea at ng United States.

Sinabi ni AFP Spokesperson Brig. General Restituto Padilla na araw-araw ay nakakatanggap si Pangulong Rodrigo Duterte ng security monitoring sa bansa at walang na-monitor na posibleng epekto sa Pilipinas sakaling ituloy ng North Korea ang banta nitong maglunsad ng nuclear missile sa Guam.

Dagdag ni Padilla, kahit pumalpak ang missile sa North Korea ay malayo pa rin ang posibilidad na tamaan ang Pilipinas.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Maayos naman ang relasyon ng Pilipinas sa North Korea at napatunayan ito nang dumalo ang prime minister ng North Korea sa ASEAN Summit na isinagawa sa Manila noong nakaraang linggo, aniya.

Mas mabuti kung ang tututukan ay ang problema sa kalamidad at hindi ang banta ng North Korea, sabi pa ni Padilla.