KENTUCKY (AP) – Ang lalaking inakusahan ng pananagasa sa mga taong nagpoprotesta sa isang white supremacist rally ay nahumaling sa Nazism, idolo si Adolf Hitler, at tinukoy ng mga opisyal ng eskuwelahan sa 9th grade na may “deeply held, radical” convictions sa lahi, sinabi ng isang dati nitong guro.

Umamin din si James Alex Fields Jr., 20-anyos, na nasuri siyang may schizophrenia noong siya ay bata pa at niresetahan ng anti-psychotic medication, sinabi ni Derek Weimer sa panayam ng The Associated Press nitong Linggo.

Sa high school, si Fields ay “average” student, ngunit mahilig sa military history, kay Hitler, at sa Nazi Germany, ayon kay Weimer, guro ni Fields sa social studies sa Randall K. Cooper High School sa Union, Kentucky.

“Once you talked to James for a while, you would start to see that sympathy towards Nazism, that idolization of Hitler, that belief in white supremacy,” ani Weimer. “It would start to creep out.”

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Kinasuhan ng pulisya si Fields ng second-degree murder at iba pang kaso sa diumano’y pananagasa sa mga nagpoprotesta sa Charlottesville, Virginia, noong Sabado, na ikinamatay ng isang 32-anyos na babae, at ikinasugat ng 19 iba pa.