DANDONG, China (Reuters) – Parami nang parami ang Chinese textile firms na gumagamit ng mga pabrika sa North Korea para samantalahin ang mababang pasahod sa tawid ng hanggganan, sinabi ng mga mangangalakal at negosyante sa border city ng Dandong sa Reuters.

Ang mga damit na ginawa sa North Korea ay nilalagyan ng etiketa na “Made in China” at iniluluwas sa buong mundo, ayon sa kanila.

Hindi kasama sa UN sanctions, ipinataw sa North Korea dahil sa missile at nuclear programs, ang anumang pagbabawal sa textile exports.

“We take orders from all over the world,” sabi ng isang Korean-Chinese businessman sa Dandong, ang Chinese border city na dinaraanan ng karamihan ng mga kalakal mula sa North Korea. Tulad ng karamihan, tumanggi siyang pangalanan.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Maraming ahente ng damit sa Dandong, na nagsisilbing go-betweens para sa Chinese clothing suppliers at buyers mula sa United States, Europe, Japan, South Korea, Canada at Russia, sinabi ng negosyante.

“We will ask the Chinese suppliers who work with us if they plan on being open with their client -- sometimes the final buyer won’t realize their clothes are being made in North Korea,” aniya.

Dumarami ang Chinese clothing manufacturers na gumagamit ng mga pabarika sa North Korea kahit inilipat na nila ang kanilang mga pabrika sa ibang bansa, kabilang sa Bangladesh, Vietnam at Cambodia.