Ni REGGEE BONOAN

ANG saya-saya ng aming kaibigang si Chuck Gomez dahil for good na sa Pilipinas si Dessa kaya matututukan na niya ang singing career nito.

Ilang taon din kasing nagpapabalik-balik sa Pilipinas si Dessa mula Las Vegas, Nevada dahil nandoon ang pamilya niya kaya kahit maraming may gustong kunin siya sa show ay hindi siya makasagot dahil sa schedules niya.

Dessa
Dessa
Pero ngayong balik-Pilipinas na ay heto at kaliwa’t kanan na ang shows niya at ang version niya ng Forever Is Not Enough na orihinal ni Sarah Geronimo ay isa sa pinakamaraming hits ngayon sa Spotify.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Kuwento ng manager ni Dessa na si Chuck, “(Sixty-three thousand one hundred nineteen (63,119) streams as of August 12, Saturday. Guys kapit-bisig tayo to 1M streams on Spotify. Spread the word: Ipagkalat sa chikahan, tell your friends, post natin sa Facebook natin, sa Twitter, sa Instagram. Ipasok natin sa chikahan with family and friends! Download din natin sa iTunes at Apple Music! Pak!”

Pinakinggan namin ang version ni Dessa ng Forever Is Not Enough at maganda rin, tulad ng version din ni Jona. Magre-record na si Dessa sa Star Music ng sarili niyang version ng Forever Is Not Enough na available na ngayon sa Spotify, iTunes, atAmazon Music.

Sa mga naka-miss kay Dessa ay may show siya sa Historia Bar, Sgt. Esguerra, Quezon City bukas ng gabi, Martes, simula10 PM.