NEW YORK (AP) – Sinabi ni Bruno Mars noong Sabado na magkakaloob siya ng $1 million mula sa kanyang konsiyerto sa Michigan para tulungan ang mga apektado ng water crisis sa Flint.

Bruno copy

Sinabi ng Grammy-winning singer sa audience ng kanyang show sa Auburn Hills, 48 kilometro ang layo mula sa Detroit, na ibibigay ng tour promoter na Live Nation ang kinita ng show sa charity na The Community Foundation of Greater Flint.

Noong 2014, nagpalit ang Flint ng water sources at hindi nagdagdag ng corrosion-reducing phosphates, kaya nakapasok ang lead mula sa mga lumang tubo sa leach patungo sa tubig. Nasuri ang mataas na antas ng lead, isang neurotoxin, sa mga bata, at 12 katao ang namatay sa Legionnaires’ disease outbreak na pinagdudahan ng mga eksperto na may kaugnayan sa hindi improperly treated na tubig.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

‘I’m very thankful to the Michigan audience for joining me in supporting this cause,’’ ipinahayag ni Mars. “Ongoing challenges remain years later for Flint residents, and it’s important that we don’t forget our brothers and sisters affected by this disaster.’’

Nagtanghal si Mars, isinilang at lumaki sa Hawaii, sa Palace of Auburn Hills sa kanyang sold-out 24K Magic World Tour. Ang kanyang latest album na 24K Magic ay naabot ang double platinum status kamakailan.