Ni: Bella Gamotea

Patay ang apat na hindi pa nakikilalang lalaki, na pawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga, matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot ang apat na suspek dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat na ipinarating kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokesperson, Chief Insp. Kimberly Molitas, naganap ang engkuwentro sa 11th Road, Barangay Balingasa, Quezon City, dakong 3:45 ng madaling araw.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Nagpapatrulya ang mga tauhan ng Station 1 ng Quezon City Police District (QCPD), sa pangunguna ni PO3 Santos, nang mapansin ang kahina-hinalang kilos ng mga suspek.

Sa pagsita ng awtoridad sa mga suspek, biglang bumunot ng baril ang mga ito at pinaulanan ng bala ang mga papalapit na pulis ngunit hindi tinamaan. Dito na nagdesisyon ang awtoridad na pagbabarilin ang mga suspek hanggang sa duguang bumulagta.

Narekober mula sa mga suspek ang isang caliber .38 Armscor 202, isang caliber 45 Armscor, isang caliber 9mm colt, isang caliber .45 Remington, mga magazine na may lamang bala, ilang basyo ng mga nabanggit na baril at apat na pakete ng hinihinalang shabu.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng mga suspek.