Ni: Tara Yap

ILOILO CITY — Dalawang pawikan o green sea turtle na nasagip at inaalagan ng awtoridad sa Panay ang ibinalik kamakailan sa karagatan.

Ayon kay Jim Sampulna, Western Visayas director ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), isang babaeng pawikan ang pinakawalan ng DENR-Aklan Protected Area Management and Biodiversity Conservation Unit (AMBCU) sa bayan ng Numancia sa Aklan.

Sa pamamagitan ng lambat, hindi sinasadyang nahuli ng mangingisda, si Marcelo Bustamante, ang pawikan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Dinala ni Bustamante ang pawikan sa DENR.

Isang babaeng pawikan din ang nalambat ng mangingisda na si Tony Gregorio sa bayan ng Culasi sa Antique.

Ang pawikan ay isa sa anim na uri ng pagong na matatagpuan sa Pilipinas at ito ay may bigat na 136 hanggang 181 kilo, ngunit may umaabot din sa 204 kilo.

Ipinaalala ni Sampulna sa kahalagahan ng pagsunod sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001.