Ni: Jun Aguirre

CULASI, Antique – Patay ang dalawang drug suspect matapos umanong manlaban sa buy-bust operation sa Centro Poblacion, Culasi Antique.

Kinilala ang mga nasawi na sina Herman Calfoforo at Fidel Natabi, kapwa tubong Iloilo. Kabilang ang mga suspek sa provincial watchlist ng Antique at umano’y miyembro ng Prevendido Group.

Sa inisyal na imbestigasyon, isinagawa ang operasyon, kasama ang ilang tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency, sa hideout ng mga suspek.

Probinsya

9-anyos na bata, patay sa rabies; aso, kinatay at kinain pa ng 30 katao

Nakahalata umano ang mga suspek na peke ang transaksiyon kaya bumunot ang mga ito ng baril at nakipagpalitan ng bala sa mga pulis na naging sanhi ng kanilang pagkamatay.

Narekober mula sa mga suspek ang marked money, tatlong cell phone, drug paraphernalia, isang puting van, dalawang caliber .38 revolver at iba pa.