Ni: Bella Gamotea

Iniutos ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga kumpanya ng eroplano, ground handlers, at service providers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na magsumite ng buwanang report kaugnay sa mga nakawan sa paliparan sa pagpapaigting ng pagbabantay sa mga bagahe sa departure at arrival areas, at patuloy na implementasyon ng pagkapkap sa lahat ng ramp personnel.

Ito ang inilatag na mga polisiya ni MIAA General Manager Ed Monreal kasunod ng pagnanakaw sa jewelry box ng misis ng Turkish foreign minister na dumalo sa ASEAN ministerial meeting sa Pasay City nitong nakaraang linggo.

Nagpaalala rin si Monreal sa istriktong implementasyon ng No Pockets/No Jewelry/No Watch policy sa ramp.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador