Ni: Leslie Ann G. Aquino

Wala nang dalawang buwan ang natitira para magdesisyon ang mga nagpaplanong tumakbo sa October 23, 2017 Barangay and Sangguniang Kabataan polls.

Base sa calendar of activities ng Commission on Elections (Comelec), ang paghahain ng Certificates of Candidacy ay mula Setyembre 23 hanggang 30.

Habang ang election period ay mula Setyembre 23 hanggang Oktubre 30.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Itinakda naman ang campaign period simula Oktubre 13 at magtatapos sa Oktubre 23.

Sa Resolution No. 10191, inisa-isa rin ng Comelec ang mga bawal gawin sa campaign at election period.

At nitong Miyerkules, Agosto 9, sinimulan na ng Comelec ang pag-iimprenta ng mahigit 77 milyong balota para sa darating na eleksiyon.