Ni: Marivic Awitan

AMINADONG patuloy na binabagabag ng alinlangan si reigning SEA Games gold medalist sa wushu na si Daniel Parantac bunsod nang natamong injury sa tuhod.

Sa kabila nito, kailangan niyang kumilos at pakipagsabayan para maibigay sa bayan ang dangal sa pagsabak ng Team Philippines sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpu, Malaysia.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Galing sa matinding training na tumagal ng halos dalawang buwan sa China kasama ng iba pang Pinoy wushu artists na sasabak sa darating na biennial meet , inamin ni Parantac, gold medalist sa Taolo Taijijian noong 2015 SEA Games sa Singapore na iniinda pa rin nya ang natamong injury sa kanang tuhod.

Sumailalim si Parantac sa operasyon noong nakaraang taon na naging dahilan kung bakit namahinga siya sa kompetisyon.

Bukod sa Taijijian, sasabak din si Parantac sa bagong event na Compulsory Taijiquan.

Inaasahang magiging mahigpit na katunggali ni Parantac ang entries galing Singapore, host Malaysia at Vietnam.

Kasama rin ni Parantac sa magiging kinatawan ng bansa na five-man wushu team na kinabibilangan din nina World Championships bronze medalist Agatha Wong, Kimberly Cua, Norlence Catolico at Thornton Lou Sayan.