NI: PNA

HINIHIMOK ni Health Secretary Dr. Paulyn Jean Ubial ang publiko na maging maingat at alerto laban sa bird flu makaraang makumpirma ang pagkalat ng avian flu sa mga manok, bibe, at pugo sa ilang poultry farm sa bayan ng San Luis sa Pampanga, at nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Department of Agriculture (DA).

“We are advising the public to take flu precautions – cover your mouth and nose when sneezing and coughing, wash your hands often, take plenty of water and juices, have enough rest and sleep,” pahayag ni Ubial.

Pinayuhan din ng kalihim ang publiko na iwasan ang paglapit sa mababangis na ibon o magpunta sa mga poultry ng mga manok, itik, gansa o iba pang katulad nito.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“If you have flu symptoms that last longer than three days or feel very weak, see a doctor or go to the nearest hospital to test if it’s bird flu,” ayon kay Ubial.

May naitala nang poultry-to-human infections sa Vietnam at Hong Kong, aniya, at sinabing ang “cross infection to humans has been minimal but can be fatal”.

Dagdag pa niya, mayroon nang grupo ng mga epidemiologist na naipadala upang makatulong ng DA sa pag-iimbestiga sa pagkalat ng avian flu.

Binalaan rin niya ang mga ospital sa Pampanga sa mga posibleng kaso ng pagkahawa, at aniya, mayroong sapat na supply ng anti-flu medications at kagamitan ang Department of Health (DoH), sakaling kailanganin ito ng mga regional health office at mga ospital.

Ayon sa World Health Organization (WHO), natural na pinaglalagian ang mga ibon ng avian influenza virus. Maaaring mahawahan ang tao sa pamamagitan ng direktang pagkakalantad sa apektadong hayop o sa lugar na laganap ang virus, ngunit hindi ito magreresulta sa pagkahawa ng tao sa kapwa tao.

“For avian influenza viruses, the primary risk factor for human infection appears to be direct or indirect exposure to infected live or dead poultry or contaminated environments, such as live bird markets. Slaughtering, defeathering, handling carcasses of infected poultry, and preparing poultry for consumption, especially in household settings, are also likely to be risk factors,” lahad ng WHO sa website nito.

“There is no evidence to suggest that the A(H5), A(H7N9) or other avian influenza viruses can be transmitted to humans through properly prepared poultry or eggs,” ayon dito. “A few influenza A(H5N1) human cases have been linked to consumption of dishes made with raw, contaminated poultry blood.”

Mahalaga ang pagkontrol sa paglaganap ng avian influenza virus sa mga poultry upang mabawasan o tuluyang mawala ang posibilidad na mahawahan nito ang tao, ayon sa WHO.