TARGET ng Gilas Pilipinas na walisin ang group match sa pakikipagtuos sa Qatar ngayong Linggo ng gabi sa Nouhad Nawfal Sports Complex sa Beirut, Lebanon.

Kumpiyansa si coach Chot Reyes na kaya ng Gilas na tapusin ang group match na malinis ang karta para mas maging matatag ang kanilang momentum sa susunod na round.

“We’re on the right track to do it. Basta, tuloy lang yung nasimulan naming at kakayanin natin ito,” pahayag ni Reyes, matapos masungkit ng Gilas ang ikalawang sunod na panalo nang pataubin ang Iraq.

Anuman ang maging kaganapan, sigurado nang No.1 sa group B ang Philippine Team matapos sopresahin ang defending champion China sa kanilang unang laro.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Inaasahang muli ang pagputok sa outside shooting ni Terrence Romeo, gayundin ang tikas sa rebound ni Fil-German Chris Standhardinger.

Hataw si Romeo sa naiskor na 17 puntos, dalawang rebound, apat na assists at isang steal sa 84-68 panalo kontra Irag nitong Biyernes ng gabi.

Iskor:

Philippines (84) - Romeo 17, Standhardinger 16, Cruz 11, Pogoy 9, Wright 8, Norwood 8, Aguilar 5, Jalalon 4, Abueva 3, Almazan 2, Castro 1

Iraq (68) - Galloway 23, Hamzah 12, Al-Khafaji 8, Ismael 6, Hameed 5, Hamad 5, Abdullah 3, Talib 2, Algburi 2, Dhafer 2, Aljuboori 0, Alazawi 0

Quarterscores: 17-19, 32-31, 60-40, 84-68