NI: Beth Camia at Argyll Cyrus Geducos

Hinamon ni Pangulong Duterte ang mga nagdadawit sa kanyang anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa sinasabing kurapsiyon sa Bureau of Customs (BoC) na maglabas ng ebidensiya upang patunayan ang kanilang alegasyon.

Ito ay makaraang mabanggit ang pangalan ng bise alkalde sa pagdinig ng Kamara noong nakaraang linggo kaugnay ng P6.4-bilyon shabu shipment mula sa China na nakalusot sa BoC noong Mayo.

Sa kanyang talumpati sa Southern Philippines Medical Center centennial celebration sa Davao City nitong Biyernes ng gabi, sinabi ng Pangulo na ang simpleng pagkakabanggit ng pangalan ng mga taga-gobyerno ay isa nang kurapsiyon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“If my son was really into it or is in there, all you have to do is to produce the paper—because there are two ways of evidence—oral pati (and) documentary,” sabi ni Pangulong Duterte.

“Just give me an affidavit and I will step down as President of this Republic. And that is my commitment to you now.

That is my word,” dagdag niya.

Aniya, hinding-hindi niya kukusintihin ang kurapsiyon, lalo na at hindi naman siya nasanay sa maluhong pamumuhay.

“Hindi talaga ako papayag niyan. Tutal, nabuhay lang rin ako sa ganito-ganito, ‘yung tamang-tama lang,” ani Duterte.