Ni JIMI ESCALA

SI Boy Abunda na ang bagong manager ni Bayani Agbayani. Ang namayapang si Angge o Cornelia Lee ang dating manager ni Bayani, simula nang pumasok siya sa showbiz.

Masaya si Bayani na nakahanap siya agad ng bagong manager at ang King of Talk pa ito. Nagkausap na sila ni Kuya Boy at sa susunod ay pag-uusapan nila ay ang paplanuhin na nila ang magiging career path niya.

BAYANI AT BOY copy

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Iba na kasi kapag may manager ka na kagaya ni Boy Abunda, kumbaga, marami siyang contract at mas magiging maayos ang mga schedule ko. Hindi na ‘yung pabara-bara na lang,” sey ni Bayani.

Punumpuno at sunud-sunod ang showbiz commitments ni Bayani ngayon, kaya tinanggihan na niya ang appointment niya bilang isa sa board members ng Movie and Television Review Classification Board (MTRCB)

Katwiran ni Bayani, hindi matanggap ng konsensiya niya ang pagsahod mula sa gobyerno na galing sa ibiniyad na buwis ng mga tao gayong wala naman siyang ginagawa.

Ayaw niyang maging isyu ang pagtanggap niya ng suweldo kahit hindi naman siya nagtatrabaho ng tama.

“Sa totoo lang naman kasi, eh, natapat naman na nu’ng ina-appoint ako for MTRCB board, eh, punung-puno ang schedule ko. Ayoko naman na magsuweldo na hindi ko naman magagampanan ‘yung trabaho ko bilang board member.

“Parang lumalabas na niloloko ko naman ‘yung ibinabayad sa akin na mula sa mga taxes ng mga tao,” seryosong pangangatwiran ng komedyante.

Bukod kasi sa TV guestings, mabiling-mabili si Bayani sa out-of-town shows.

“Sa awa naman kasi ng Diyos, eh, hindi naman ako nababakantehan ng trabaho. Kumbaga, tuluy-tuloy naman,” aniya.

Ipaliwanag niya na hindi naman sa ayaw niyang magkaroon ng posisyon sa administrasyong Duterte, nagkataon lang talaga na hindi kakayanin ng schedule niya ang pagiging MTRCB board member.

“Kasi, twice a week, five hours a day, kailangang mag-report sa MTRCB. Ang problema, iba-block off na ‘yun. Kumbaga, halimbawa, kukunin ko ‘yung Wednesday at Thursday, ngayon biglang may tatawag sa akin na trabaho sa mga araw na ‘yun.

P’wede ba ‘yung mamili rin ako ng araw sa mga tapings o shooting?” klarong paliwanag niya.