IBINAON ng San Sebastian ang College of St. Benilde, 101-71, nitong Biyernes para sa ikalawang sunod na panalo sa NCAA Season 93 sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Kumubra si Michael Calisaan ng 20 puntos, kabilang ang 14 sa final quarter kung saaan nakahulagpos ang Stags tungo sa pinakaimpresibong panalo sa kasalukuyan .

Matikas ang simula ng Stags, sa pangunguna ni sophomore forward Alfren Gayosa.

Bunsod ng panalo – ikatlo sa anim na laro – tumibay ang katayun ng Stag sa Final Four.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Sa kabila ng dominanteng panalo, mapagpakumbabang sinabi ni San Sebastian head coach Egay Macaraya na marami pang bigas na kakainin ang Stags , higit sa quarterfinals ng torneo.

“Hindi naman sa nakukuha (yung momentum). Masyado naman overrated yung statement. Ang sa amin lang naman is at least maganda yung shooting percentage namin ngayon, ang ganda ng score,” pahayag ni Macaraya.

“Ang laki ng binibigay samin ng CSB. Ang laki ng three points namin ngayon. I guess that was the key of the game – pumapasok yung mga three points namin and we also played good defense to them,” aniya.

Naitarak ni Gayosa ang 15 puntos sa first half para maisaayos ang double digit na bentahe ng Stags.

Nag-ambag si Allyn Bulanadi ng 13 puntos sa Stags.

Nawindang muli ang Blazers matapos ang unang tikim sa panalo kontra Mapua University.

Nanguna si Unique Naboa sa Blazers sa naiskor na 17 puntos.

Ginapi naman ng Letran ang Perpetual Help, 63-61, para sa 4-3 karta.

Iskor:

San Sebastian (101) – Calisaan 20, Gayosa 15, Bulanadi 13, David 9, Mercado 8, Calma 8, Navarro 7, Baetiong 6, Capobres 5, Ilagan 4, Costelo 3, Baytan 3, Are 0, Quipse 0, Valdez 0.

St. Benilde (71) – Naboa 17, Dixon 15, Leutcheu 12, Pili 8, Sta. Maria 8, San Juan 6, Suarez 3, Castor 2, Domingo 0, Velasco 0.

Quarterscores: 28-21; 51-35; 74-53; 101-71.

Letran (63) – Quinto 14, Nambatac 12, Balanza 12, Calvo 11, Pascual 5, Vacaro 4, Ambohot 2, Balagasay 2, Caralipio 1, Taladua 0, Bernabe 0

Perpetual (61) – Eze 18, Dagangon 10, Ylagan 7, Yuhico 5, Sadiwa 5, Tamayo 5, Coronel 4, Hao 3, Pido 2, Mangalino 2, Singontiko 0, Lucente 0

QUARTER SCORES: 14-7, 24-19, 39-36, 63-61