TULAD ng inaasahan, kinuha ng Alab Pilipinas si dating Gilas Pilipinas star Jimmy Alapag bilang head coach para sa pagsabak sa ikalimang season ng Asean Basketball League.

alapag-Castro-and-jalalon copy

Pormal na ipinahayag ng team management ang pagkakapili sa one-time MVP at Talk ‘N Text point guard, nitong Sabado sa kanilang social media account @AlabPilipinas.

Ito ang unang pagkakataon na magsisilbing head coach si Alapag, kilala bilang team leader ay may hawak ng marka sa PBA three-point shooting. Ang dating coach na si Mac Cuan ay mananatili sa koponan bilang assistant coach.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Umabot ang Alab Pilipinas sa semifinals sa nakalipas na season.

Sa kasalukuyan, bahagi si Alapag ng coaching staff ng Gilas Pilipinas at Meralco Bolts sa PBA. Posibleng manatili sa National Team ang 5-foot-8 guard, ngunit kailangan niyang bitiwan ang trabaho sa Meralco.

Bago ang ABL season, nakatakdang sumabak ang Alab Pilipinas sa Merlion Cup sa Singapore sa Setyembre.