NI: Mary Ann Santiago

Aabot sa may 700,000 guro sa pampublikong paaralan sa bansa ang sasailalim sa mandatory drug testing ng Department of Education (DepEd).

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, nasa final stage na ang kanilang binabalangkas na guidelines para tuluyang mapasimulan ang drug testing sa mga guro at sa lahat ng empleyado ng kagawaran.

“We are already finalizing (the guidelines). The Department of Health (DoH) has been training our teachers in getting the samples and so on... It will start anytime,” sabi ni Briones.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Naglaan ang DepEd ng P39 milyon budget para sa nasabing drug test at maging ang lahat ng aplikante bilang guro at non-teaching personnel ay saklaw na ng programa.

Ang drug testing naman sa mga estudyante ay kailangang isailalim muna sa “random sampling basis” ng mga estudyante sa high school.

Sinabi ni Briones na kailangang maging maingat sa pagsasagawa ng drug testing sa mga estudyante dahil karamihan sa mga ito ay menor de edad.

Bahagi ng programa ang pagsasailalim sa rehabilitasyon sa sinumang mapatutunayang gumagamit o lulong sa bawal na gamot.