Ni: Fer Taboy

Inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na isasailalim sa psycho-social debriefing ang apat na lalaking na-rescue kamakailan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police-Maritime Group (PNP-MG) sa Lake Lanao.

Kasabay nito, iniimbestigahan din ng Joint Task Force Marawi (JTFM) kung mga sympathizer ng Maute Group ang apat, na hindi muna kinilala ng militar at nabatid na walang anumang sugat sa katawan.

Sinabi ni Capt. Jo-Ann Petinglay, tagapagsalita ng JTFM, na isinugod ng militar sa Amay Pakpak Medical Center ang apat para isailalim sa psycho-social debriefing.
Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?