Ni: Liezle Basa Iñigo

LINGAYEN, Pangasinan - Dalawang bilanggo ang pumuga kahapon mula sa provincial jail matapos samantalahin ang pagkakataon nang pagtapunin ng basura.

Sa report, nabatid na dakong 9:25 ng umaga kahapon nang magtapon ng basura sa labas ng provincial jail ang dalawang bilanggo, na nagtatakbo patakas.

Maagap namang nakaresponde ang Lingayen Police at kaagad na nadakip ang isa sa mga pumuga, habang pinaghahanap pa ang isa pa.

Probinsya

‘This is not tradition, it's animal cruelty!' AKF, kinondena pagbabalik ng Pasungay Festival