Ni REGGEE BONOAN

LIKE father, like son.

Nag-iisang anak si Mikhail Red ng kilalang direktor na si Raymond Red na ang forte ay Filipino alternative/experimental cinema sa super-8mm at 16mm noong dekada 80-90.

MARY JOY SA 'BIRDSHOT' copy

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Tulad ni Direk Raymond, mahilig din si Mikhail sa mga kakaibang kuwento.

Excited ang pinakabatang direktor na kasama sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), dahil mapapanood na finally sa commercial theaters nationwide ang kanyang pelikulang Birdshot sa Agosto 16-22.

Unang napanood ang Birdshot sa 40th Tokyo International Film Festival at nanalong Best Picture sa Asian Future Film section. Napanood na rin ang abra-maestra ni Direk Mikhail sa iba’t iba pang international film festival tulad sa South Korea, Lithuania, Laos, Sweden, Thailand at Belgium.

Kaya ang sabi ng kanyang producers sa TBA Studios, “Finally, Birdshot is coming home this August.”

“I like stories that are morally ambiguous,” kuwento ni Direk Mikhail. “’Yung hindi mo alam who’s good or who’s evil.

And Birdshot is very much like that. All the characters are struggling to survive. It creates a story with several layers that leave a lot of gray areas which the audience can explore. When they leave the cinema, we want them to start a conversation and talk about what they’ve seen.

“We’re excited that finally Filipinos can see Birdshot. PPP is the perfect occasion for us kasi mas malaki ‘yung audience that can be reached. We’re very happy and honored to be part of this pioneering batch of Pista ng Pelikulang Pilipino.”

Tinanong ang batang direktor kung hindi ba magkakaproblema sa PAWS o Philippine Animal Welfare Society ang pagkakabaril nila sa ibon tulad ng nangyari sa pelikulang Oro na pumatay ng aso sa shooting kaya na-pull out sa lahat ng sinehan sa ikatlong araw ng 2016 Metro Manila Film Festival.

“Doon po kami proud sa movie, sa technical aspect kahit sa prosthetics talagang ang kinuha namin ay mga industry professionals na inalagaan talaga nila lahat, mga injury make-up, ‘yung mga fake carcass ng animals, every details, so pinaghirapan nila ‘yon, gumawa sila ng mock-up na Philippine Eagle and makikita n’yo talaga ‘yung actual size ng eagle. Sila ‘yung critically pinaka-endangered animals in the world, endemic lang sila sa Philippines, sila ‘yung largest raptors. So dito sa film, ma’papakita talaga ‘yung gaano ka-majestic itong national bird natin,” pagtatapat ni Direk Mikhail.

Sa Isabela kinunan ang Birdshot ayon sa direktor.

“Actually sa Northern Luzon, may small colony ng wild Philippine Eagles, sa Sierra Madre, majority ng eagles, may 400 na lang yata ang natitira sa Davao.

Pero may maliit na colony wide sa Sierra Madre mountainous at Isabela nandoon. May mga 30 or 40, so doon naka-set, somewhere in Northern Luzon.”

Trailer pa lang, marami na ang humahanga sa visuals ng Birdshot. Halos iisa naman ang naririnig naming komento ng mga nakapanood na ng kabuuan ng pelikula, napakaganda ng cinematography at ng pagkakalatag ng kuwento at napakahusay ng bida kahit hindi pa kilala ng mainstream audience.

Sabi ng head ng Globe Studios na si Direk Quark Henares, hindi sila nagdalawang-isip sa partnership nila sa TBA Studios (Tuko Film Productions/Buchi Boy Entertainment/Artikulo Uno Productions) lalo na sa pelikulang ito.

“I love Birdshot and it’s a film that deserves to find its audience. We are happy to be co-marketers of the film and we are honored to be associated with the film and TBA, its production outfit.”

Graded A ng Cinema Evaluation Board, tampok sa Birdshot sina Mary Joy Apostol, Arnold Reyes, Ku Aquino, at John Arcilla. Mapapanood na ito sa 60 theaters ng SM Cinemas nationwide sa Agosto 16-22, distributed ng Solar Films.