Ni: Reggee Bonoan
PINAG-UUSAPAN sa apat na sulok ng showbiz ang tungkol sa aktor na may career naman pero nagbebenta pa rin ng laman sa halagang P30,000 per night.
Kuwentuhan ng mga katotong nakakakilala nang personal sa aktor, “Ewan ko ba d’yan kay _____ (aktor), may show naman, di ba, heto nga kasama siya sa teleserye, ang suwerte nga niya nasa primetime ‘tapos naggaganyan pa rin, pahada.”
Hirit ng mataray na katoto, “E, magkano lang naman kasi ang bayad sa kanya sa teleserye, kinukulang ang lolo mo, kaya emeekstra service, ha-ha-ha. Puwede na ‘yun, 30K a night.”
Kaya ang biruan ng mga katoto, “Pag-iipunan ko nga ‘yang si _____ (aktor). Pero hindi ba puwedeng libre? Write-ups na lang ang kapalit, ha-ha-ha.”
Ang nasabing aktor ay laging nadadawit sa kontrobersiya na sabi’y sinasadya para pag-usapan dahil nga kulang na kulang siyasa exposure. ‘Yun nga lang, kapag napapansin naman ng media ay laging ka-chea-pan ang isyu niya.
“Kulang nga kasi sa pansin, kaya nagpapapansin,” hirit ng isa pang katoto.
Ang aktor ay maraming kapangalan sa showbiz, ‘yun na.