PATULOY na umaani ng pagkilala ang ABS-CBN mula sa academic community dahil muling pinarangalan ang entertainment at news programs, pelikula, journalists, at artists ng Kapamilya Network sa pinakaunang Guild of Educators, Mentors, and Students (GEMS) Hiyas ng Sining Awards. Dalawampung (20) awards ang iniuwi ng ABS-CBN kabilang na ang TV Station of the Year.

ABS-CBN Corpcomm Head Kane Choa nang tanggapin ang TV Station of the Year award copy

Tinanghal na Radio Station of the Year ang DZMM Radyo Patrol 630 na mahigit 30 taon nang nagbibigay ng public service sa bansa. Nanalo rin ito ng Best Male Radio Broadcaster-Opinion (Julius Babao), Best Female Radio Broadcaster-Opinion (Zen Hernandez), at Best Male Radio Broadcaster-Entertainment (Ahwel Paz).

Nagwagi rin si Atom Araullo bilang Best TV Program Host para sa Red Alert, at tinanghal naman si Boy Abunda bilang Best TV Program Host para sa The Bottomline With Boy Abunda.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Panalo naman ang nangungunang teleserye sa bansa na FPJ’s Ang Probinsyano, na kamakailan lang ay nagdiwang ng ika-100 linggo sa telebisyon, ng Best TV Series, at pinangalanan si Coco Martin bilang Natatanging Hiyas ng Sining sa Telebisyon. Nagwagi namang Best Actor in a TV Series ang former co-star ni Coco na si Arjo Atayde.

Kinilala rin ang iba pang Kapamilya stars para sa kanilang natatanging pagganap sa telebisyon sa pangunguna nina Sylvia Sanchez (Best Actress for The Greatest Love), Zanjoe Marudo (Best Actor-Single Performance for MMK: Anino), at Coleen Garcia (Best Actress-Single Performance for MMK: Kadena).

Samantala, humakot ng apat na awards ang Everything About Her ng Star Cinema kabilang na ang Best Film-Mainstream, Best Film Director-Mainstream (Bb. Joyce Bernal), Best Supporting Actor (Xian Lim), at Best Actress (Vilma Santos).

Binubuo ang GEMS ng mga guro, academic professionals, at mga estudyante mula sa educational institutions sa Pilipinas. Ibinibigay ng GEMS ang Hiyas ng Sining para kilalanin ang mahuhusay na proyekto at personalidad sa telebisyon, pelikula, radyo, panitikan, at teatro.