Ni FER TABOY

Dalawang pulis ang napatay habang dalawa pang pulis at dalawang sibilyan ang nasugatan nang pasabugan ng bomba at paulanan ng bala ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang convoy ng mga awtoridad sa Barangay Sagrada, Viga, Catanduanes, bago magtanghali nitong Huwebes.

Sinabi ni Senior Insp. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-5, na lulan ng dalawang mobile police car ang mga operatiba ng Viga Municipal Police nang mangyari ang pagsabog at pananambang ng NPA habang kasama ng mga pulis ang mahigit 10 drug surrenderer.

Nasawi sina PO3 Joseph Tupue at PO1 Eva Torcillino, habang sugatan namang isinugod sa ospital sina Senior Insp. Ernesto Montes Jr., at SPO1 Marwin de Vera, kasama ang dalawa pang drug surrenderer.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon sa report, binabaybay nina SPO1 Marwin de Vera, PO3 Quirico Orteniro, PO1 Rousner Carbonel, at PO1 Bryan Magalong, kasama ang 10 drug surrenderer, ang national road sa Bgy. Sagrada nang sumabog ang isang improvised explosive device (IED) at pinagbabaril pa ng NPA ang mga pulis.

Mabilis namang rumesponde sina Senior Insp. Montes, PO1 Torcillino, SPO2 Bienvinido Trinidad, at SPO1 Erwin Pichuela, na napalaban sa 20 rebelde.