ISASAGAWA ng Megaworld Lifestyle Malls sa pakikipagtambalan ng GEO Events Management ang Trikini party sa Agosto 19 sa McKinley West Park sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Inaanyayahan ang mga runners, cyclist at sports aficionados sa buong Kamaynilaan at karatig lalawigan na makiisa sa Trikini – isang urban fitness party na nagtatampok sa tatlong elemento: takbo, bisikleta at pagdiriwang – na tiyak na kagigiliwan ng kabataan.

Bukas para sa lahat ang programa para sa pagpipiliang aktibidad tulad ng 5k run at 15 k bike race. May matatanggap na token para sa magwawagi mula sa ON Shoes at Colnago, habang ang cash prize ay direktang ipamimigay sa SOS Children’s Villages Philippines.

Matapos ang pagpapapawis, maaaring makihalubilo sa Fest Zone kung saan naghihintay ang kasiyahan sa saliw ng tugtugan at sayawan mula sa bandang SinoSiKat, Extrapolation, at Sanya Smith.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

“The ultimate goal is to encourage more city dwellers to live active lifestyles and enjoy the outdoors, no matter what the season!” pahayag ni Sam Okal ng GEO Events Management.

“The Trikini series shall continue in other locations and seasons, aligned with our mantra that it’s always a matter of here and now to get fit and enjoy the outdoors.”

Makiisa at makisaya sa party for a cause. Mabibili ang tiket sa lahat ng Ticket World outlets (National Bookstore outlets and Eastwood Mall concierge) at sa website www.ticketworld.com.ph. Ang presyo ng tiket ay P1,650 (Lite Pass) at P2,650 (Deluxe Pass).