Ni: Mary Ann Santiago at Leslie Ann Aquino

Kumbinsido ang beteranong election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal na hindi maaapektuhan ng sigalot sa pagitan ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista at maybahay nitong si Patricia ang resulta ng halalan noong Mayo 2016.

Ayon kay Macalintal, walang legal o factual basis para sabihing ang personal at seryosong suliranin ng mag-asawang Bautista ay magdudulot ng negatibong epekto sa kredibilidad at integridad ng May 2016 election.

Sinabi pa ng abogado na bagamat inilantad ni Patricia ang umano’y mga ebidensiya ng sinasabi nitong ill-gotten wealth ng Comelec chief, hindi naman binanggit ng ginang kung may ginawa si Bautista na maaaring magkompromiso sa katatapos na halalan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Samantala, nagpakita naman kahapon ng suporta ang mga empleyado ng Comelec para kay Chairman Bautista.

Nakasuot ng puting T-shirt, sumigaw ang mga empleyado ng “Mabuhay si Chairman! Mabuhay si Chairman!” sa labas ng Manila Cathedral at ng Palacio Gobernador sa Intramuros upang ipakita ang buong suporta sa kanilang boss.