IPAMAMALAS nina dance sport champions Gerald Jamili at Cherry Clarice Parcon ang kahusayan sa harap ng international audience sa kanilang pagsabak sa World Dance Sport Federation (WDSF) Open sa Agosto 26 sa Johor, Malaysia.

dance sport copy

Galing ang magkatambal sa matagumpay na kampanya sa Hanoi Open Dance Sport Championships kung saan nagwagi sila ng gold medal sa Adult-Latin category laban sa 22 karibal mula sa Chinese Taipei, Hong Kong, Malaysia at host Vietnam.

Nakapaloob sa Latin discipline ang Cha-Cha-Cha, Samba, Rumba, Paso Doble at Jive.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

“It is our first time to join the Hanoi Open and we are happy to win,” pahayag ng 29-anyos na si Parcon, nagmula sa Isabela, Negros Occidental. Pambato naman ng Bacolod City si Jamili, 35.

“The competition in Hanoi is part of our preparation for the Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) in September,” aniya.

“Before the competition, we work on some techniques and choreography enhancements which we are eager to try and evaluate after the competition,” aniya.

Naging magkatambal ang dalawa may pitong taon na ang nakalilipas sa mahabang karanasan asahan na lalaban ang Pinoy kontra sa mga karibal.

“We started dancing together in July 2010. We joined national ranking tournaments from 2010-2011 and the following year, we started competing in Asia. We also joined tournaments in Europe from 2015 to 2016,” sambit ni Parcon.