NI: Mary Ann Santiago

Aabot sa P1.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng awtoridad sa isang motorsiklong nagliyab sa gitna ng isang kalsada sa Antipolo City kamakalawa.

Nakatakas at pinaghahanap na ang driver ng motorsiklo na kinilala, sa pamamagitan ng driver’s license, na si Rick Santos Ferrera, 42, ng 9 Dona Justa Subdivision, Angono, Rizal.

Sa ulat ni Police Insp. Rolly Baylon, hepe ng Police Community Precint (PCP) 1 ng Antipolo City Police, nakatanggap sila ng report hinggil sa nasusunog na motorsiklo sa Marcos Highway, sa Barangay Mayamot, bandang 2:55 ng hapon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kasama ang isang fire truck, agad rumesponde ang awtoridad sa lugar at inabutan ang nasusunog na motorsiklo.

Inabutan din ng awtoridad ang driver ng motorsiklo, ngunit sa halip na makipagtulungan ay bigla na lang itong nawala.

Nang mapatay ang apoy, dito na tumambad ang tatlong nakabalot na hinihinalang shabu, may bigat na 280 gramo, na nakatago sa compartment ng motorsiklo.