Ni: Vanne Elaine P. Terrazola
Lumikha ang Senado ng special committee na tututok sa rehabilitasyon ng Marawi City na winasak ng giyera.
Binuo ng Senado nitong Miyerkules ang Senate Resolution 457, na magtatatag sa Senate Special Committee on Marawi, at magiging tungkulin nito ang pag-aaral, pagrerebisa, pagtaya, pagsusuri, pag-iimbestiga, at pagtatanong sa mga bagay na may kinalaman sa muling pagbangon ng Marawi City.
Ang magiging chairman ng committee ay si Senator Gringo Honasan at magiging miyembro naman sina Senators Panfilo Lacson, Grace Poe, JV Ejercito, at Bam Aquino.
Sinabi ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III, na nagpakilala sa resolusyon nitong Lunes, na magiging tungkulin ng special committee ang pagtukoy sa inabot na pinsala ng Marawi City upang kaagad masimulan ang rehabilitasyon nito.
“The extent of the damage sustained by Marawi City and the large number of displaced citizens caused by the rebellion requires a well-coordinated large-scale rebuilding effort on the part of the government,” ani Pimentel.