Ni REGGEE BONOAN

“HINDI nag-swak ‘yung schedule nina Jen (Jennylyn Mercado) at Jericho (Rosales) this September, Reggs kasi may gagawin daw Echo for Sundance (Film Festival),” sabi sa amin ng Quantum producer na si Atty. Joji Alonso.

JENNYLYN AT JERICHO copy copy

Ang pelikulang Forever is Not Enough na pagbibidahan sana nina Jen at Echo ang entry ng Quantum Film sa 2017 Metro Manila Film Festival at nagsimula na silang mag-shoot noon pang Hulyo 21.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Kaya pinalitan na ni Derek Ramsay si Echo bilang leading man ni Jennylyn. Una silang nagsama sa pelikulang English Only Please na entry rin sa MMFF noong 2014 at pareho silang nanalo as Best Actor and Best Acrtress.

Kasama ang Forever is not Enough sa apat na pelikulang unang na-approve ng MMFF selection committee at base rin sa patakaran ay hindi puwedeng doble ang entry ng isang main star o direktor.

At dahil hindi pa tapos ang Forever is not Enough, nagtanong daw si Paul Soriano, producer ng Ten17 Productions at director din, sa MMFF kung puwede pang mag-submit ng finished film (Siargao) na ang mga bida sina Jericho, Jasmine Curtis Smith at Erich Gonzales.

Nalaman ito ni Atty. Joji at nasambit niya na, “Hindi ko alam kay Paul, pero alam naman niyang nauna kaming nag-submit at approved na.”

As of press time, wala pa kaming feedback kung na-approve ang Siargao ni Direk Paul sa MMFF dahil nang tanungin namin si Atty. Joji kahapon sa hindi pagkakatuloy ni Echo sa project niya, sinagot niya kami ng, “Well, I hope makapasok sila kasi sayang naman din. I wish them the best.”

Nagtanong din kami sa taga-MMFF kung pumasok na ang Siargao pero tila hindi pa ito naisa-submit ng direktor.

“Hindi automatic na pasok na, he (Direk Paul) has to submit as a finished film pa rin and will undergo the same process,” sagot ng taga-MMFF.

Baka naman sina Jen at Derek talaga ang meant for each other na makagawa ng pelikula this 2017 Metro Manila film Festival na si Direk Dan Villegas ulit ang direktor at masungkit ulit ang Best Actor at Best Actress.