Ni: Rommel P. Tabbad

Pinasisibak ng Office of the Ombudsman sa serbisyo si Southern Leyte Governor Damian Mercado dahil sa umano’y maanomalyang pagbili ng mga segunda-manong sasakyan na aabot sa P2.3 milyon noong 2007.

Sa inilabas na desisyon kahapon ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, napatunayang guilty si Mercado sa kasong Grave Misconduct kaugnay ng usapin.

“Records of the investigation showed that in 2007, Mercado, then Maasin City Mayor, approved the purchase of three reconditioned vehicles totalling P2.3 million. After bidding, the acquisition of the Mitsubishi Pajero, Isuzu Wizard and Toyota Grandia was awarded to Kojac Auto Repair Shop.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Natuklasan sa imbestigasyon na si Mercado ang dating may-ari ng Mitsubiahi Pajero, Toyota Grandia na ibinenta sa may-ari ng Kojac na si Baltazar Avila, Sr. ng P390,000 at ang Isuzu Wizard ay ibinenta lamang ng P275,000 noong 2006.

Hindi rin pumasa sa pamantayan ng pamahalaan ang mga sasakyan.

Kasamang pinasisibak ang lima pang opisyal ng lalawigan na sina Bids and Awards Committee (BAC) Chairman Crispin Arong, Jr., BAC Vice-Chairperson Feorillo Demeterio, Jr.; BAC members Anecito Narit, Benjase Lumen at Consuelo Ladrera