Ni ROY C. MABASA at ng AFP

Sakaling ituloy ng North Korea ang planong magpakawala ng apat na ballistic missile sa karagatan ng Guam, nakahanda ang Philippine Consulate General sa Agana na tumugon para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga Pilipino na nagtatrabaho at naninirahan sa nasabing teritoryo ng United States, tiniyak ng Department of Foreign Affairs kahapon.

A South Korean soldier walks past a television screen showing a graphic of the distance between North Korea and Guam at a railway station in Seoul on August 9, 2017. President Donald Trump issued an apocalyptic warning to North Korea on Tuesday, saying it faces
A South Korean soldier walks past a television screen showing a graphic of the distance between North Korea and Guam at a railway station in Seoul on August 9, 2017.
President Donald Trump issued an apocalyptic warning to North Korea on Tuesday, saying it faces "fire and fury" over its missile program, after US media reported Pyongyang has successfully miniaturized a nuclear warhead. / AFP PHOTO / JUNG Yeon-Je

“Our Consulate General has Contingency Plans which are regularly updated,” saad sa pahayag ni DFA Spokesperson Rob Bolivar. “These Contingency Plans will enable the Consulate General to respond to emergencies in their area of jurisdiction, including coordination with the host country and the Filipino community.”

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Tinatayang 43,000 Pilipino ang kasalukuyang naninirahan sa Guam, na may 2,500 kilometro ang layo mula sa Pilipinas.

DETALYADONG PLANO

Sinabi ng North Korea kahapon na ‘’bereft of reason’’ si US President Donald Trump at dapat lamang na sagutin ito ng puwersa, kasabay ng pagdedetalye sa bantang pag-atake sa Guam, ang teritoryo ng US sa Pacific.

Ginulat ni Trump nitong linggo ang mundo sa kanyang matapang na mensahe kay Kim Jong-Un, na haharap ang North Korea sa ‘’fire and fury like the world has never seen’’.

Gumanti ang Pyongyang sa pahayag na binabalak nitong patamaan ng apat na ballistic missiles ang Guam.

‘’Sound dialogue is not possible with such a guy bereft of reason and only absolute force can work on him,’’ iniulat ng official KCNA news service na sinabi ni General Kim Rak-Gyom ng Korean People’s Army (KPA) kahapon.

Ayon sa pahayag, makukumpleto ng KPA sa kalagitnaan ng Agosto ang plano para sa pag-atake, na kabibilangan ng apat na rockets na dadaan sa Japan, partikular sa mga prefecture ng Shimane, Hiroshima at Koichi.

Lilipad ang mga missile ng 17 minuto at 45 segundo, sa layong 3,356.7 kilometro at babagsak sa dagat may 30 hanggang 40 km ang layo mula sa dalampasigan ng Guam.

Sa western Pacific island nakabase ang ilang mahahalagang assets ng US, kabilang ang long-range bombers, military jets at submarines, na regular na ipinapadala para magpakita ng puwersa malapit sa Korean peninsula, na ikinagagalit ng Pyongyang.

Dalawang supersonic US bombers ang lumipad mula sa isla para sa fly-over mission sa Korean peninsula nitong linggo.

Sinabi ni Shin Jong-Wook, analyst sa Korea Defence and Security Forum, na pasok ang Guam sa range ng Hwasong-12 missile ng North, na pinasinayaan ng Pyongyang sa military parade noong Abril.