Ni: Bella Gamotea

Pansamantalang isinara ng anim na oras ang runway ng Mactan Cebu International Airport upang bigyang-daan ang pagkukumpuni sa paliparan ngayong Biyernes, Agosto 11.

Simula 2:30 ng madaling araw hanggang 8:30 ng umaga ay isinara ang naturang runway sa mga eroplano.

Dahil sa temporary closure ng runway, halos 50 flight ng Cebu Pacific at CebGo ang apektado sa runway repair.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Sa inilabas na abiso ng Cebu Pacific, nasa 20 flight ang na-delay ng apat hanggang walong oras, kabilang ang dalawang international flights patungo at mula sa Taipei, Taiwan.

Bukod pa rito ang kanselasyon ng 29 na domestic flight ng Cebu Pacific.

Agad namang pinayuhan ang daan-daang apektadong pasahero na maaaring magpa-rebook ng kanilang biyahe o magpa-refund ng kanilang mga ticket.

Maaaring bisitahin ang website ng Cebu Pacific: www.cebupacificair.com/travel-advisory?tid=353 para malaman ang bagong schedule ng mga biyahe.