ANG 2-stag semifinal round ng kauna-unahang BNTV Cup ay magpapatuloy ngayon (Agosto 11) sa Del Monte Cockpit, Malabon City na siyang magsisilbing labanan ng mga nag-qualify mula sa mga eliminasyon na ginanap sa Sta. Maria, Bulacan; Sta. Monica Cockpit sa Novaliches, Quezon City Malolos at La Loma Cockpit.

Nakatakda rin ngayon ang 2-stag semis sa Dasmariñas Coliseum para sa mga nag-elims sa Las Piñas Coliseum, Dasma at Imus Cockpit.

Handog ng Thunderbird Bexan XP & Thunderbird Platinum, ang “early bird compeition” na ito ay pinangungunahan nina Joey Sy, Eddie Boy Ochoa at mga nasa likod ng programang pang-telebisyon na Bakbakan Na.

Sa mga may iskor na 3 puntos pagkatapos ng semis ay maghaharap sa Agosto 21 sa Smart Araneta Coliseum, samantalang ang mga walang talo na may tig-apat na panalo ay maglalaban para sa kampeonato sa Agosto 24 sa Big Dome.

'Matagal ko nang pinapangarap ‘yon!' Alex Eala, naging emosyonal nang tugtugin Lupang Hinirang sa 2025 SEA Games