Ni: PNA

BINALAAN ng ilang health at anti-smoking advocates nitong Martes ang mga nagbabalak at kasalukuyang naninigarilyo na maaaring mauwi sa adiksiyon ang kanilang bisyo kung itutuloy ang pagkonsumo ng mga produktong tobacco.

“Tobacco products have addictive substances. Therefore, it predisposes smokers to be addicted to other substances like drugs,” pahayag ni dating Health Secretary Esperanza Cabral sa isang press conference, at sinabing ang tatlong porsiyento sa 4.5 milyong gumagamit ng droga ay pinaniniwalaang nagsimula sa adiksiyon sa sigarilyo.

Ayon kay Dr. Maricar Limpin, executive director ng Framework Convention on Tobacco Control Alliance Philippines (FCAP) at Action on Smoking and Health (ASH), ang droga at sigarilyo ay parehong naglalabas ng kemikal na dopamine, na kumokontrol sa nais at kasiyahan ng utak.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“Whatever substance abuse it may be, it has only one pathway, which is the release of dopamine to the brain,” ani Limpin. “That also explains why some people are hooked on sweet substances, such as sweetened beverages, because the sweet taste also gives a feeling of high from the release of dopamine from the brain. And that is the basic reason why tobacco can be a gateway to illicit drug use.”

Dagdag pa ni Sin Tax Coalition convener, Dr. Antonio Dans, ang mga ebidensiyang epidemiological ay nagpapakita na ang mga naninigarilyo ay tatlong beses na malaki ang tsansang gumamit ng ilegal na droga kumpara sa mga hindi naninigarilyo.

“The real drug is tobacco. When you look at people who started on drugs, the Dangerous Drugs Board said they used tobacco first, which led them to more dangerous substances,” ani Dr. Jaime Galvez-Tan, dating health secretary, at ipinahayag ang suporta sa administrasyong Duterte sa laban nito kontra ilegal na droga.

Sumang-ayon sa mga health expert si New Vois Association of the Philippines (NVAP) President, Emer Rojas, at sinabing ang mga naninigarilyo ay mas malaki ang posibilidad na gumamit ng ilegal na droga.

“Being former smokers, we can definitely say that drug addiction is not a far-fetched possibility for those still addicted to tobacco use, considering their tendency to have the urge to get high,” ani Rojas.

Kung kakaunti ang mga naninigarilyo, bababa rin ang gastos para sa rehabilitasyon ng mga nalulong sa droga, ayon kay Dan.