Ni JIMI ESCALA

NOONG nakaraang local elections ay marami sa mga kababayan namin sa Tondo ang nag-udyok sa veteran newscaster na si Arnold Clavio na tumakbo bilang congressman.

Pero kahit may mga nagpahayag ng suporta ay hindi kinagat ng pambato ng GMA Network ang pangungumbinsi sa kanya.

ARNOLD copy copy

Human-Interest

Bakit laging panalo? Netizens, napa-research sa mga nagawa ni Sen. Lito Lapid

Katwiran ng premyadong broadcaster, hindi pa napapanahon at wala pa sa bokabularyo niya ang pagpasok sa pulitika.

This early ay meron na namang mga grupong nais kumumbinsi kay Igan, pero mukhang mabibigo na naman sila. Madalas naming napapakinggan sa kanyang programang Dobol A sa Dobol B kasama si Ali Sotto na wala siyang interes na makigulo sa pulitika.

Sa totoo lang, super busy ang kapwa namin taga-Tondo sa kanyang mga programa sa TV at sa radio. Isa siya sa main hosts ng Unang Hirit, main anchor sa late night news program na Saksi at meron pang once a week na Tonight With Arnold Clavio.

Pinagkakaabalahan din ni Arnold Clavio ang kanyang iGan Foundation na tumutulong sa mga batang may sakit at ang kababayan nating dinapuan ng diabetes. Nang maglunsad kamakailan ng kanyang librong Iskets, Piktyur at Tula ay nagpapasalamat si Arnold sa lahat ng mga sumusuporta sa kanyang foundation.

“Siyempre, nagpapasalamat tayo sa Panginoon sa loob ng 30 years na paglilingkod ko sa propesyong ito. Kumbaga, ‘yung talento na ibinigay niya sa akin, eh, sobra talaga,” sey pa ni Igan.

Aniya pa, lahat ay binigyan ng Panginoon ng kanya-kanyang talento at regalo. At nararapat lang na tuklasin at pagyamanin natin ito.

“Tuklasin natin para sa pagpuri sa Kanya. Kapag gumagawa ako ng sketch at tula, gumagaan ang pakiramdam ko, parang andun ‘yung biyaya kasi ibinabalik ko sa Kanya, hindi mo sinasayang ‘yung ibinigay niyang talent,” seryosong lahad ni Arnold.