Ni NORA CALDERON

KINAILANGAN nang iwanan ni Direk Dominic Zapata ang Mulawin vs Ravena na idinidirehe nila ni Don Michael Perez dahil sa malalaking eksenang ginagawa at kailangang niyang tutukan sa nagbabalik na Alyas Robin Hood.

Alam naman daw niya na kayang-kaya ni Direk Don ang project lalo’t sinamahan naman ito ni Direk Aya Topacio (kapatid ng yumaong Soxy Topacio).

Dingdong Dantes and Andrea Torres (10) copy copy

Human-Interest

Bakit laging panalo? Netizens, napa-research sa mga nagawa ni Sen. Lito Lapid

“Kailangan ko, kasama ang buong production staff ng Alyas Robin Hood 2 (ARH2) ang magbuo ng mas magagandang eksena, mas explosive kaysa unang napanood ng mga televiewers,” sabi ni Direk Dom nang makapanayam namin sa grand launch ng serye nitong nakaraang Miyerkules ng gabi. 

“Sabi nga, kung iyon at iyon pa rin ang mga eksenang mapapanood, baka magsawa na sila at iwanan kami. Kaya ngayon pa lang, ayaw ko mang magmalaki, tiyak na magugustuhan ninyo ang mapapanood ninyo. Isa na rito ang pumayag ang management na mag-rent kami Amira cameras sa Arri, kaya kung napansin ninyo ang full trailer namin, napakalinaw at maganda ang angles ng shot. Medyo mabigat ang camera pero nasasanay na rin ang cameramen namin. Dalawa ang nirerentahan naming kamera.”

Isa sa mga pasabog din sa grand presscon ang pagpasok ni Dingdong Dantes sa loob ng Le Reve Events Place na sakay ng motorsiklong gamit niya sa action-drama series. Ayon kay Direk Dom, nalaman niya kay Ryan Agoncillo na four stages ang husay sa paggamit ng motor. Nasa level 3 si Ryan at si Dingdong naman ay umabot na sa level 4, kaya sa serye ay mapapanood siya na gumagamit ng levels 1 to 4.

Excited na si Direk Dom na mapanood ng televiewers ang mga eksenang ginawa nila, kaya hindi siya nakatiis na i-preempt na sa mga kaharap niyang entertainment press kung ano ang mangyayari sa pilot week.

“Hindi pa kasi tapos ang pilot week namin (sa Monday, August 14), at iyon ang pinaghahandaan namin. Kayo rin, huwag ninyong i-miss kung ano ang pasabog naming ‘yon sa pilot week, gabi-gabi, tiyak na hahawak kayo sa upuan ninyo,” natawang sabi ni Direk Dom. “Sa Lunes namin kukunan ang eksenang sinasabi ko sa inyo at ewan kung matatapos namin ang eksenang iyon sa isang araw lamang.”

Hindi namin ipi-preempt ang kuwento ni Direk Dom, abangan na lamang ninyo pero kami man ay na-excite sa kuwento niya, at tiyak kayang-kaya namang mag-parachute ng female character na gagawa nito.

Kasama pa rin ni Dingdong sa cast ang mga nakasama niya sa first season na sina Jaclyn Jose, Andrea Torres, Paolo Contis, Rey Abellana, Gary Estrada, Rob Moya, Dave Bornea, Lindsay de Vera, Gio Alvarez, Antonette Garcia (Frida), Luri Nalus (Jun Jun) at bagong salta naman sina Ruru Madrid, Jay Manalo, KC Montero, Solenn Heusaff at Edu Manzano.