Ni ROY C. MABASA

UMAANI ng papuri ng mga kritiko sa buong mundo ang malikhaing dibuho ng dalawang Filipino comic book artist, pero hindi dahil sa local comic book project kundi dahil sa kanilang mahalagang kontribusyon sa matagumpay na Czech graphic novel.

The comic book copy

Pitong taon na ang nakalilipas, sinimulan ng Welsh writer na si James Stafford ang pagsusulat sa serye ng The Sorrowful Putto of Prague. Kinuha niya para magdibuho ng kanyang sinulat si AJ Bernardo, na nakilala niya sa isang online art forum.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Bagamat hindi pa sila personal na nagkikita, at hindi pa nakakatuntong si Bernardo, 33, sa Prague, nagkasundo sila at sinimulan ang kanilang six-year working relationship. Tumulong na rin sa kanila si Josel Nicolas, 29, pagkaraan ng ilang taon. Mahalagang bahagi na siya ngayon ng global project na binubuo ng ilang artist mula sa Romania at Czech Republic.

Kalaunan, iginuhit na ng dalawang Pinoy ang ilang istorya ni Stafford, 38.

Unang inilunsad noong 2011 bilang webcomic, kamakailan ay inilathala sa Czech ang comic bilang libro bilang Truchlivý amoret pražský ng Argo, isa sa leading literary publishing houses sa Czech Republic.

Ang serye ay tungkol sa madilim, baroque tale na puno black humor at Czech mythology, na nagkamit ng magaganda at positibong rebyu ng press sa Czech at binigyan ng significant exposure sa national television at radyo.

Pero bago pa man inilathala, pinuri ng Hollywood movie star na si Samuel L. Jackson ang The Sorrowful Putto of Prague na nabasa ng kanyang 6.7 milyong tagahanga sa Twitter, at tinawag na “dope ass” ang comic.

“It’s been hugely inspiring to work with AJ and Josel,” ani Stafford. “I was incredibly lucky to find them as before the Internet age collaborating with people on the other side of the world like this just wouldn’t have been possible.

I’m very proud of being able to partner with them and very much look forward to continuing with the series in the coming years.”

Marami ang umaasa na magkakaroon ng Filipino edition ang libro upang ma-enjoy din ng fans ng local comics ang acclaimed work ng mga kababayan nating dibuhista.