Ni: Jean Fernando

Malubhang nasugatan ang isang construction worker makaraang saksakin ng samurai ng kanyang katrabaho sa Parañaque City, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni Sr. Supt. Jemar Modequillo, hepe ng Parañaque City Police, ang biktima na si Jesus Alegado, 34, ng Barangay Merville, Parañaque City. Siya ay nagtamo ng mga saksak sa katawan at nasa malalang kondisyon sa Parañaque Medical Center.

Kinilala naman ang suspek na si Lino Dayalino, ng nasabi ring lugar.

Probinsya

Mahigit 100 granada, nahukay sa isang sementeryo sa Quezon!

Sinabi ni Modequillo na si Dayalino, na nasa kustodiya na ng pulisya, ay isasailalim sa medical examination upang malaman kung siya ay nasa impluwensiya ng droga o alak nang atakihin si Alegado.

Nahaharap si Dayalino sa kasong frustrated homicide at illegal possession of deadly weapon sa Parañaque City Prosecutors Office.