Ni: Argyll Cyrus Geducos at Leonel Abasola

Binuwag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Negros Island Region (NIR), ibinalik ang probinsiya ng Negros Occidental at Negros Oriental sa Western at Central Visayas, ayon sa pagkakasunod.

Sa kanyang Executive Order (EO) No. 38 na nilagdaan nitong Lunes, binanggit ni Duterte ang isyu sa pondo bilang dahilan sa pagbuwag sa Region XVIII.

Sa kanyang EO, sinabi ni Duterte na kinakailangang masiguro na napopondohan nang tama ang mga pangunahing programa at proyekto ng pamahalaan.

National

Rep. Paolo Duterte, ‘negatibo’ sa hair follicle drug test

“The establishment of regional offices (ROs) of departments and agencies in the NIR requires substantial appropriation to be fully operational, thus competing with government priority programs and projects for funding,” saad sa EO.

Sa bisa ng EO, binuwag ang mga regional office at regional council na itinatag sa NIR.

Inatasan ang mga kinatawan ng NIR regional offices at councils na ibalik ang kanilang dating unit of deployment, o ire-assign sa ibang opisina sa kani-kanilang ahensiya.

Dismayado naman si Senator Bam Aquino sa pagkakabuwag sa NIR.

“We are disappointed with the decision to abolish the Negros Island Region amidst the Negrenses’ appeal for unification. At the very least, this issue warrants a public discussion and we hope the Senate can still hold a hearing on the resolutions we’ve filed last year,” dagdag ni Aquino.

Ang NIR ay binuo ni dating Pangulong Benigno Aquino III upang matiyak ang pag-unlad ng buong Negros.