NI: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena)

3 n.h. -- CEU vs Flying V

5 n.h. -- Cignal HD vs Marinerong Pilipino

Eman Bacosa, olats sa unang championship title; pinabagsak ng kalaban!

SAKABILA nang pagiging No.2 seed, aminado si Cignal HD coach Boyet Fernandez na dehado ang kanyang tropa sa Marinerong Pilipino sa Game One ng kanilang best-of-three semifinals series ngayon sa 2017 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

“If you look at it, we’re the underdog. We lost to Marinero twice: one practice game, one in the eliminations,” ayon kay Fernandez kasabay ng pagbabalik-tanaw sa natamo nilang 65-66 na kabiguan sa Skippers noong Hunyo 8.

Bukod dito, nariyan din ang pagkakadagdag ng mga manlalarong sina Robbie Herndon at Renzo Subido sa roster ng kanilang karibal.

“They have a totally different line-up from the day we first faced them,” aniya.

Nakatakda ang duwelo ganap na 5:00 ng hapon.

Sa isa pang semifinals pairings, magkakarap ang walang talo at top seed Flying V kontra sa No.4 squad Centro Escolar University ganap na 3:00 ng hapon.