Ni: Orly L. Barcala
Nalagutan ng hininga ang dating barangay tanod, na umano’y tulak ng ilegal na droga, nang tambangan ng riding-in-tandem sa Caloocan City, nitong Martes ng gabi.
Dead on the spot si Augusto Teleg, 50, ng Phase 1, Package 1, Barangay 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod, na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo.
Ayon sa mga saksi, pawang tumangging magpabanggit ng pangalan, nakita nilang tumatakas ang dalawang lalaki na lulan sa motorsiklo.
Base sa report, nakatayo si Teleg sa tapat ng kanyang bahay at pinagbabaril, dakong 8:30 ng gabi.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.