Ni: Leandro Alborote

CAPAS, Tarlac - Isang empleyado ng inn ang itinumba ng riding-in-tandem sa lugar ng kanyang trabaho sa Barangay Cristo Rey sa Capas, Tarlac, nitong Martes ng madaling araw.

Pinagbibistay ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan si Ranelson Peralta, 22, binata, ng Block 3, Bgy. Cristo Rey.

Ayon sa 55-anyos na katiwala ng Eco Lodge Inn, dakong 1:30 ng madaling araw nang kumatok sa gate ng Eco Lodge Inn si Peralta.

Probinsya

Bomb threat sa Zamboanga airport, natagpuan sa CR

Nang pagbuksan ng katiwala si Peralta ay dumating ang hindi nakilalang riding-in-tandem at pinagbabaril ang biktima na malubhang natamaan ng bala sa balikat, leeg at dibdib.