Ni: Fer Taboy

Pinasabugan ng granada ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang kampo ng militar at hinagisan din ng pampasabog ang isang kampo ng pulisya sa Sorsogon.

Sinabi ni Senior Supt. Marlon Tejada, director ng Sorsogon Police Provincial Office, na unang pinasabugan ng granada ang harap ng Camp Fabilane ng Philippine Army sa Barangay Balogo sa Sorsogon City dakong 10:30 kagabi.

Makalipas ang 20 minuto, hinagisan din ng mga rebelde ng granada ang Camp Escudero Police Office, bagamat hindi ito sumabog.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Sakay sa motorsiklo ang dalawang suspek na kaagad tumakas matapos gawin ang krimen.

Wala namang naiulat na nasaktan sa naturang insidente.

Naniniwala si Tejada na bahagi ng tactical offensive ng NPA ang nangyari at may kaugnayan sa paghihiganti ng mga ito sa pagkakapaslang ng militar sa mataas na opisyal ng kilusan sa Sorsogon na si Andres Hubilla, alyas “Ka Magno”, at tatlong iba pa kamakailan.

Dahil dito, naka-full alert na rin ang pulisya sa lalawigan.