NI: Liezle Basa Iñigo

Luhaan ang mga magulang ng isang babaeng Grade 12 student nang matuklasang ninakawan na nga ng mga gadget ay ginahasa pa ang kanyang anak makaraang pasukin sa tinutuluyang apartment sa Barangay District IV sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa panayam kahapon kay SPO1 Melissa Gauuan ng Bayombong Police, tumutuloy ang 17-anyos na biktimang Grade 12 student sa Saint Mary University, sa isang apartment sa Del Pilar Street, at naiwang mag-isa sa bahay bandang 1:30 ng umaga kahapon.

Pinasok ito ng hindi nakilalang lalaki na posibleng pagnanakaw lamang ang pakay, subalit nagdesisyong gahasain din ang dalagita.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Natangay ng suspek sa dalagita ang isang HDC cell phone, isang backpack, isang Acer laptop computer, at isang Qube cell phone.